(Ynares Sports Arena, Pasig)
6 p.m. Philippine Patriots vs Singapore Slingers
Itataya ng JobStreet.com Singapore Slingers ang kanilang buhay sa Asean Basketball League kontra AirAsia Philippine Patriots ngayon alas-6:00 ng gabi sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Huling nagbulsa ng panalo ang Slingers katapat ang Saigon Heat, 73-67 nitong linggo sa pangunguna ni Louis Graham na tumapos ng 29 points at may 15 rebounds.
Tumulong
din si Kyle Jeffers ng kanyang 20 points at 14 rebounds para sa ika-walong
panalo ng Slingers sa likod ng Indonesia Warriors at Dragons.
Samantalang bawing-bawi naman ang Patriots matapos makatikim ng pagkatalo sa kamay ng Westports Malaysia Dragons sa overtime, 93-97.
Aminado si Michael Johnson, general manager ng Slingers, na kailangan nilang maipanalo ang kanilang huling tatlong laro kabilang na ang pagbangga sa Patriots kung gusto pa ng Singapore manatili sa liga.

“We will probably need to win our remaining 3 regular season games to make the ABL playoffs which will be a tough task but we are playing well enough of late to believe we have a real chance,” pahayag ni Johnson.
Taglay ng Patriots ang 2-0 agwat katapat ang Slingers sa pamumuno ni Anthony Johnson na may average 24.5 points sa dalawang laro.
Kumpyansa si Patriots coach Glenn Capacio na makababalik pa rin sila sa laro, “We need to bounce back and finish the season strong to carry a momentum going into the playoffs.” (John Alfrick C. Cruz)