Friday 20 April 2012

Apat na PBA players, hindi sigurado sa Gilas

Kinumpirma ni Smart-Gilas II team manager Butch Antonio kahapon na hindi pa sigurado kung makakapaglaro ang apat na PBA players, sa pangunguna ni dating Most Valuable Player James Yap ng B-Meg, para sa binubuong national team.


Bukod kay Yap,  tinukoy din ang tatlo na sina Arwind Santos at Alex Cabagnot ng Petron, at ang huli ay si Marc Pingris ng B-Meg. 

“If anything, it only shows that the four are disinterested,” sabi ni Antonio noong Miyerkules.
Ayon pa sa kanya, kailangang pumirma ng mga players sa isang commitment letter na sinang-ayunan ng PBA board of governors noong Marso 27. “We would like to stress that players are not forced to play for Gilas. It is purely voluntary, if they don’t want to play, we cannot do anything.” 

Nakatala sa letter na iyon ang kasunduang magsasanay at maglalaro ang nakapirmang player para sa Smart Gilas simula sa off-season hanggang sa FIBA-Asia Championships sa Setyembre, 2013 at maaari pang umabot sa FIBA World Championships sa 2014.

Sa ngayon, labing-dalawang players na mula sa kabuuang labing-anim ang nakapirma na at siguradong makakapaglaro sa ilalim ni coach Chot Reyes.

Sila ay sina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Kelly Williams, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier and Ryan Reyes ng Talk ‘N Text, Gary David and Marcio Lassiter of Powerade, LA Tenorio and Sonny Thoss of Alaska, Gabe Norwood of Rain or Shine and Enrico Villanueva ng Barangay Ginebra.

Kapag tiniyak na ang hindi pagsali nina Yap, Santos, Cabagnot, at Pingris, mapipilitan ang management na humanap ng iba pang players na interesado mula sa pro-league. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment