Sunday 29 April 2012

Dating NBA Bull nasa Pinas

Isang linggo ng nasa Pilipinas ang dating kakampi ni NBA Star Michael Jordan sa Chicago Bulls para sa posibilidad na tulungan ang mga koponang pagmamay-ari ng San Miguel Corporation (SMC) sa PBA.
 
Kinumpirma ni SMC official Noli Eala ang kagustuhan ni Craig Hodges, naglaro kasama si Jordan at nakapagbulsa ng dalawang kampeonato para sa Bulls, ang kagustuhan nitong maging coach o consultant ng alinmang San Miguel franchise teams.

Nauna ng nakapagsagawa ang 51-anyos na si Hodges ng basketball clinics sa Sorsogon at Naga City at pinaplano pang mamahala ng iba’t-ibang basketball programs sa Maynila hanggang Mayo 1.

Aminado si Hodges, nakapaglaro ng 10 seasons sa apat na koponan ng NBA at kabilang din sa 1991 at 1992 championships ng Bulls, na bukas siya sa mga posisyong ihahain ng SMC kasama ang mga koponan nito sa PBA na Petron Blaze, Barangay Ginebra, B-Meg, at sa Asean Basketball League na San Miguel Beermen. 

 “I was invited to come over to try and take a look at basketball opportunities over here, as far as possibly coaching and possibly doing some consultant work,” pahayag ng 6’2 Hodges at dating three-time NBA All-Star Weekend Three Point Shootout champion sa taong 1990-1992. 

 “We’re always open to improve our teams,” sabi ni Eala. 

Huling nagserbisyo si Hodges bilang shooting coach para sa Los Angeles Lakers simula 2005 hanggang 2011. 

 “That’s my passion. I just want to make sure that young players understand the game,” pagtatapos ni Hodge. (John Alfrick C. Cruz)


No comments:

Post a Comment