Sunday 22 April 2012

UAAP, NCAA inabisuhan ng SBP

Para sa ikabubuti ng mga manlalaro, inabisuhan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang UAAP at NCAA tungkol sa schedule ng Philippine youth team na sasabak sa dalawang Asian competitions ngayong taon. 

Ayon kay national coach Olsen Racela, isinaayos na ng SBP ang schedule ng mga laro sa ibang bansa para sa youth team na manggagaling sa dalawang collegiate leagues na ito, kabilang ang SEABA Under-18 Championship for Men sa Hunyo 26 hanggang 30 sa Singapore at FIBA Asia Under-18 Championship sa Ulan Bataar sa Mongolia na gaganapin sa Agosto 17 hanggang 26.

“SBP already wrote a letter to the UAAP and NCAA informing them of the youth schedules. As much as possible, we are hoping to field the best possible team in both youth tournaments,” dagdag ni Racela.

Bagama’t pilay ang line-up ni coach Racela, lumaban pa rin ang Philippine youth team sa 2011 FIBA Asia Under-16 Championship, at gayundin sa Asian tournament ng parehong taon, kung saan sila ay nagtapos lamang sa fourth place matapos makaharap ang South Korea para sa bronze medal.

Apat na manlalaro ang hindi nakasama sa naturang torneo na ginanap sa Nha Trang, Vietnam dahil nakaabot ang kanilang mga koponan sa NCAA junior finals. Sila ay sina Arvin Tolentino, Gideon Babilonia, at Ranbill Tongco ng San Beda habang si Gelo Vito naman ay naglaro para sa La Salle.

“We are hopeful that the UAAP and NCAA can do something to help our youth program,” he added,” pahayag pa ni Racela.

Tinatawag din ni Racela ang pansin ng mga gustong maging miyembro ng bagong FIBA Under-18 team pero tiniyak mananatili pa rin sa line-up ang mga nakapaglaro na sa Under-16 team noong nakaraang taon. 

Ang tatlong mangunguna sa FIBA Asia Under-18 tournament ay aabante sa FIBA Under-19 World Championships sa 2013. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment