Thursday 26 April 2012

Cornely bagong import ng Rain or Shine


Nananalig ang Rain or Shine Elastopainters na ang bago nilang import ang magtutulak sa kanilang inaasam-asam na kampeonato.

Kinumpirma kahapon ni Rain or Shine assistant coach Caloy Garcia na maglalaro para sa Elastopainters si Jamelle Cornley, na dalawang taon na nilang minamatyagan sa ibang liga, sa darating na PBA Governor’s Cup sa Mayo 20.

Ang 25-year-old, 6’5 na power forward na si Cornely ay  nagmula pa sa Penn State at nakapaglaro na para sa Ukraine, Argentina, Uruguay, Israel, at huling nakapaglaro sa France kung saan nag-average ito ng 14.2 points at 5.7 rebounds para sa koponan ng Bourg.
“It was our former import Jai Lewis who recommended him to us. We were trying to get him even when I was still the head coach of Rain or Shine, but we settled for Rod Nealy then. We felt that once we advanced to the next round, we had a chance of getting him, but it didn’t happen,” said Rain or Shine assistant Caloy Garcia.

Bago si Cornely, inalok din ng Rain or Shine ang dati nilang import na si Arizona Reid pero kasalukuyan pa itong naglalaro para sa Germany hanggang Mayo 10.

“We wanted to get Arizona Reid, but the earliest he could come in is May. Gusto namin, mas maaga makakarating yung import na maglalaro sa amin,” pahayag ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.

“Kapag dumating na si Reid, mapupunta muna siya sa reserved list depende sa ipapakita ni Cornely,” sabi pa ni Garcia. “Anything can happen between now and May 10. Baka magustuhan na ni Coach Yeng si Cornley hindi natin alam. Cornley is a better post-up player and taller than Arizon Reid. He’s also an intense player, which is something na gusting-gusto ni Coach Yeng sa mga imports,” dagdag pa niya.

Samantala, kinumpirma ni PBA chairman Mamerto Mondragon para sa Rain or Shine na nakapirma na ng kontrata si Cornely sa Elastopainters at nakatakda na itong dumating sa Sabado ng umaga.

Sa ibang mga koponan, nagbabalik sa PBA bilang mga imports sina Paul Harris at Jason Forte na maglalaro para sa Talk ‘N Text Tropang Texters at Alaska Aces, ayon sa pagkakasunod.

Binitbit ni Harris ang Texters para ibulsa ang korona sa 2011 Commissioner’s Cup habang si Forte naman ay nasa ikatlong pagkakataon na maglalaro sa PBA. Dati ng naglaro si Forte sa Air21 Express bago napunta sa Alaska kung saan natulungan niya ang Aces na makarating ng semifinals. (John Alfrick C. Cruz)



No comments:

Post a Comment