Sunday 29 April 2012

Llamados, lumapit sa korona

aro Ngayon
(Smart-Araneta Coliseum)
6 p.m. TNT vs B-Meg

Kung nagkamali sa kanilang decision making sina Denzel Bowles at James Yap sa Game Two, agad naman silang rumesponde at pinatunayan ang kalibre sa pangatlong sagupaan.


Inangkin ng B-Meg Llamados ang 2-1 bentahe sa Game Three ng 2012 PBA Commissioner’s Cup Finals matapos bawian ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 91-87, nitong Biyernes sa Smart-Araneta Coliseum. 

Muling maghaharap ang dalawang koponan para sa Game Four ng kanilang sagupaan sa best-of-seven finals ngayon  alas-6:00 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Dikdikan ang naging tagpo sa first half ng Game Three hanggang sa makatikim ng pinakamalaking kalamangan ang B-Meg sa huling tatlong minuto ng third period buhat sa three-point shot ni Josh Urbiztondo, 59-52, na hindi rin naman nagtagal dahil agad na bumuwelta ng magkasunod na baskets si Ryan Reyes at binigyan ang Texters ng dalawang agwat sa pagtatapos ng quarter, 64-62.

Huling nakatabla ang Texters sa 77-all at hindi na nakalapit pa ng magmintis ng sunod-sunod na tirada kabilang ang split charities ni import Donnel Harvey may 1:03 natitira. 

Tuluyan ng sinelyuhan ng B-Meg ang ikalawa nilang panalo sa best-of-seven finals series bunsod sa apat na magkakasunod na free-throws na isinalpak ng 22-anyos na si Bowles, sa 23.1 at 16.8 segundo ng fourth period.

Pinagharian ni B-Meg importBowles ang ratsada ng Llamados nang magtipa ito ng 28 points, 13 rebounds at anim na blocks. 

“I made some big mistakes in Game Two and I wanna make up,” sabi ni Bowles.

Tumulong si Yap na may 21 points habang gumawa naman ng tig-12 points sina Urbiztondo at PJ Simon.

Pareho namang nagtala ng tig-21 points sina Harvey at Reyes para sa Texters. (John Alfrick C. Cruz)

Iskor: (Game Three)

B-Meg 91 – Bowles 28, Yap 21, Urbiztondo 12, Simon 12, Intal 5, Barroca 4, Reavis 4, Pingris 2, De Ocampo Y. 2, Devance 1.

Talk ‘N Text 87 – Harvey 21, Reyes 21, Peek 15, Castro 11, Fonacier 7, Alapag 6, Williams 5, De Ocampo R. 1, Gamalinda 0, Dillinger 0.
 


No comments:

Post a Comment