Saturday 21 April 2012

CBRE sinuportahan ang PH Rugby

Ipinakita ng isa sa mga nangungunang real estate services at advisory firms ang suporta nito sa dahan-dahang sumisikat na isports sa Pilipinas, ang rugby.

Sa pangunguna ni Rick Santos, chairman at founder ng CB Richard Ellis (CBRE) Philippines, ipinagmalaki niya ang matagumpay na junior tournament na kanilang inorganisa kamakailan sa Don Jones Field ng British School Manila (BSM) sa Taguig City.

Nilahukan ito ng humigit 200 players mula sa mga sumaling koponan tulad ng BSM, International School Manila, European International School, Clark Rugby of Angeles City, Bahay Bata, Duyan, Tuloy, and Bulacan. 

Ayon pa sa CBRE na may layuning palawakin ang rugby sa bansa, gusto nilang hikayatin ang mga interesadong Pilipino na maglaro ng isport na ito na patuloy na kumikilala sa ating national team, ang Philippine Volcanoes. 

“We've got hundreds of kids now playing rugby in the country. We plan to bring it into the thousands,” sinabi ni Santos, na nasa kanyang tatlong taong pamumuno sa CBRE, kasama si local coach Jovic Payton

Buong galak din niyang ipinagmalaki na ang Volcanoes ay umakyat sa world rankings ng International Rugby Board (IRB) kasunod ng kanilang tagumpay laban sa Singapore, 37-20, sa HSBC Asian 5 Nations Division 1 tournament.

Mula sa 72 na posisyon, tumaas ang Volcanoes ng sampung baitang at lumapag sa 62.
Haharapin ng Volcanoes ang Sri Lankans ngayon, alas-5:00 ng hapon sa Rizal Memorial Stadium, para sa kumpyansang makalahok sa 2013 Asian 5 Nations Elite level, kung saan kasama din sa kumpetisyon ang Japan, Hong Kong, UAE, at Kazakhastan. 

“The success of the Philippine Volcanoes allowed us to go up in the Asian rankings from no. 72 to no. 62. Actually, we've already surpassed China now considering rugby is just a new sport in the country,” pagtatapos ni Santos. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment