Monday 23 April 2012

Volcanoes, sumabog


Muli na namang sumabog ang mga bulkan sa rugby nang bigyan ng Philippine Volcanoes ang ating bansa ng karangalang maipagmamalaki sa buong mundo matapos magkampeon sa HSBC Asian 5 Nation Division 1 tournament.

Inangkin ng Volcanoes ang Division 1 title at karapatang makapaglaro sa Asian 5 Nations’ elite 5 nang pahiyain ang Sri Lanka, 28-18 sa mahalagang finals noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium.

Kumpirmado na ang tagumpay ng Volcanoes sa katatapos lamang na torneong idinaos sa Pilipinas ay mag-aangat ng kanilang pwesto sa rugby world charts. 

Ang Volcanoes ay kasalukuyang nasa ika-62 posisyon ng International Rugby Board (IRB) na umabante mula ika-72 pagkatapos gapiin ang mas pinapaburang Singaporeans.

“A result like this is great for rugby in the Philippines,” sinabi ni Philippine Rugby Union (PRU) President Alvin San Diego. “The team is composed of mostly Filipino heritage players, and they all wanted the Philippines to be known around the world with rugby.”
 “This whole series is all being about three things for the Volcanoes: respect, discipline and Pinoy pride,” diin niya. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment