Monday 30 April 2012

NLEX pasok sa semis


Laro sa Martes
(Trinity University of Asia Gym)
2:00 p.m. Big Chill vs Boracay
4:00 p.m. RnW vs Cebuana

Tuluyan ng umabante ang NLEX Road Warriors sa semi-finals ng PBA D-League Foundation Cup matapos gapiin ang Erase Placenta, 85-76, nitong Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sinalba ng clutch three-pointer ni Cliff Hodge sa huling 38 seconds ng laro ang Warriors,
 nanganganib makalasap ng unang pagkatalo, sa matinding pagbabalik ng Erasers na humabol mula sa 24 points na agwat sa fourth period.

Nagawa pang makalamang ng Erasers, 74-76, buhat sa lay-up ni Macky Acosta may 2:07 natitira sa fourth nang biglang magpasabog ng 8-0 bomba ang Warriors at agawin muli ang abante sa 82-74 para selyuhan ang unang tiket sa semis.

Kumubra si Hodge ng team-high 18 points habang tumulong naman ang mga Atenistang sina Kirk Long, at Ford Arao na nagtala ng tig-15 points samantalang si Eman Monfort ay nagtipa ng walong assists para sa Road Warriors na patuloy ang malinis na record at hangad ang ikatlong sunod na championship sa liga.

“Erase did a good job coming back. We were ready for their press but did not execute our press break well enough. But a win is still a win so we’ll take it,” pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.

Bagama’t napagtagumpayan ng NLEX ang laban, naramdaman ng Warriors ang hindi paglalaro nila Calvin Abueva at Ian Sanggalang sa kanilang ikalawang sunod na laro lalo na sa huling yugto.

Patuloy pa ring nasa United States sina Abueva at Sanggalang kasama ang team ng San Sebastian para paghandaan ang susunod na season ng NCAA.

Sa kabilang banda, nanguna si Allan Mangahas para sa Erase Placenta na gumawa ng 19 points.
Allan Mangahas led all scorers with 19 points. He also had 11 rebounds as Erase Plancenta, surprisingly, outrebounded NLEX, 50-42. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment