Saturday 28 April 2012

San Miguel lalong umiinit

Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig)
6:00 p.m. SMB vs Bangkok
Pupuntiryahin ng mainit na San Miguel Beermen ang kanilang ikapitong sunod na panalo sa Asean Basketball League kontra sa inaalat na Bangkok Cobras ngayon alas-6:00 ng gabi sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Taglay ang number one spot sa standings, hangad ng mga bata ni SMB coach Bobby Parks Sr. na ipagpatuloy ang kanilang kapanapanabik na ratsada sa liga lalo pa’t hindi pa sila kampante sa isang panalong lamang sa pumapangalawang Philippine Patriots.

“We should step up all game long and we should not relax. Cobras have legitimate shooters, no doubt, they can upset us if we didn’t contain those players,” sabi ni Parks. “Hopefully this will be a wake-up call for us and the team will play better in the next game,” dagdag ni Parks ng tanungin tungkol sa kanilang susunod na pagsabak.

Samantala, sariwang-sariwa pa ang huling pagkapanalo ng Beermen laban sa Singapore Slingers, sa dikdikang 68-64 noong Miyerkules ng hapon.

Abante ang Slingers ng 10 points papasok sa fourth period nang magpasabog si Fazekas ng 12 points, humakot ng walong rebounds at tatlong supalpal sa huking sampung minuto ng aksyon at tuluyang inagaw sa Singapore ang kalamangan patungo sa ika-15th na panalo ngayong season.

Pumutok si Nick Fazekas para sa Beermen na nagtipa ng kabuuang 23 points at 19 rebounds katulong si Chris Banchero na tumapos ng 13 points at Duke Crews na may 11 points.

Pinamunuan ng 19 points at 12 rebounds ni Graham ang Slingers habang sumuporta si Dulay ng 17 points at pitong assists para sa Slingers na may pitong panalo at siyam na talo. (John Alfrick C. Cruz)

Iskor:

Beermen 68 – Fazekas 23, Banchero 13, Crews 11, Fajardo 9, Avenido 8, Baguion 2, Yap 2.

Slingers 64 – Graham 19, Dulay 17, Jeffers 14, Matialakan 4, Canta 4, Oh 3, Long 3.




No comments:

Post a Comment