Saturday 28 April 2012

Pickett sa Bolts


Muling kukunin ng Meralco Bolts ang serbisyo ni Tim Pickett para maglaro bilang import sa PBA Governor’s Cup. 

Kinumpirma kahapon ni Meralco coach Ryan Gregorio ang kagustuhan niyang paglaruin si Pickett sa panig ng Bolts dahil sa taglay nito diumano ang lahat ng hinahanap niya sa isang import.

Pero ayon kay Gregorio, nakadepende pa rin ang desisyon sa team management lalo pa’t hindi pa sigurado kung makapaglalaro na si Gabby Espinas para sa Bolts dahil sa natamo nitong injury sa elimination ng matatapos na Commissioner’s Cup.

“Gabby has a herniated disc,” pahayag ni Gregorio habang tinukoy na kapareho ni Espinas ng injury si Orlando Magic star Dwight Howard ng NBA.

“The only difference is, Gabby wants to play for me. Howard doesn’t want to play for Stan Van Gundy,” pagbibiro ni Gregorio sa balitang hindi na maglalaro si Howard para sa Magic sa susunod na season.

Si Pickett ay may average na 30 points, 11 rebounds at 6.3 assists sa dalawang laro para sa Bolts noong nakalipas na taon bago nagkaroon ng hamstring injury. (John Alfrick C. Cruz)


No comments:

Post a Comment