Sunday 29 April 2012

De Ocampo, Alapag missing-in-action

Usap-usapan pa rin ang hindi pagpaparamdam ni Texters Ranidel De Ocampo at two-time PBA Finals MVP Jimmy Alapag sa best-of-seven series ng titular showdown.

Tatlong laro na ang pinag-agawan ng Talk ‘N Text Tropang Texters at B-Meg Llamados ngunit walang De Ocampo at Alapag ang nakapaglista ng malalaking numero para kay coach Chot Reyes kumpara sa mga nakalipas na championship series.
 
Aminado si Reyes na wala silang pag-asang magtagumpay na makamit ang inaasam-asam na back-to-back championship hangga’t hindi bumabalik ang laro nila De Ocampo at Alapag.

“We’re not going to beat B-Meg unless Ranidel de Ocampo and Jimmy Alapag are back from a vacation,” pahayag ni Reyes pagkatapos ng kanilang huling kabiguan sa Game Three.
 “Josh Urbiztondo has been abusing Alapag and Marc Pingris was beating De Ocampo. There’s too much load on Ryan Reyes, Kelly Williams and Donnel Harvey. We’ve been completely outplayed by our B-MEG counterparts, that’s the difference,” dagdag ni Reyes.

Isang puntos lang ang ginawa ni De Ocampo sa Game Three samantalang nagtipa naman si Alapag ng anim na puntos sa 2-of-13 field goal shooting na naglagay sa apat at pitong puntos na average sa serye, ayon sa pagkakasunod,

 “It’s over if Jimmy and Ranidel don’t come around. We can’t beat B-MEG without our complete roster,” sabi pa ni Reyes. (John Alfrick C. Cruz)


No comments:

Post a Comment