Monday 30 April 2012

Texters, humihinga pa


Anuman ang mangyari sa Game Three ng finals, nananatiling buhay pa sa serye ang tropa ni coach Chot Reyes.

Umaasa si Reyes na makababalik pa sa laro ang Texters lalo na kung magigising ang dalawang key players ng koponan, sina Ranidel De Ocampo at two-time PBA co-finals MVP Jimmy Alapag.

“They’re completely absent. We’re not going to beat this team (B-Meg) unless Jimmy and Ranidel come back from vacation,” sabi ni Reyes. “They’ve taken their early vacation.”

“We can beat them with a full roster, not with a depleted lineup,” dagdag ni Reyes.

Kung sakaling manaig ang Texters kontra B-Meg, tabla na ang kanilang bakbakan sa best-of-seven titular showdown. At kung pumanig sa Llamados ang tagumpay, angat na sila sa mabigat na 3-1 agwat.

Hindi naman nangangamba si Reyes kung ganoon ang magiging sitwasyon ng Texters.

Dalawang do-or-die games ang napagtagumpayan ng Texters kontra sa matitikas na Barako Bull Energy sa semis at gayundin noong nakalipas na Philippine Cup na tinalo nila ang Petron Blaze Boosters matapos nalugmok sa 1-3.

Aminado si B-Meg tactician Tim Cone na hindi nila minamaliit ang Texters.
“They can come back anytime. They can beat us if they like,” pahayag ni Cone, pagkatapos mamayani ng B-Meg sa dikdikang Game Two na nagtapos sa iskor na 91-87. 

Samantala, siguradong ang 22-anyos B-Meg import na si Denzel Bowles na ang mag-uuwi ng Best Import award sa PBA dahil sa taglay nitong averages na 25.65 points, 11.95 rebounds, 3.10 assists, at 1.75 blocks, malayong-malayo kay Texters Donnel Harvey na may 20.64 points, 16.07 rebounds, at 1.14 blocks sa 14 games na nilaro kumpara sa 20 games ni Bowles.

Dikit naman ang bakbakan sa Best Player of the Conference Award sa pagitan nila Gary David ng Powerade, Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, Marcio Lassiter ng Petron, Cyrus Baguio at L.A. Tenorio ng Alaska. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment