Monday 23 April 2012

Perasol, nakuntento

Sa wakas at nakumbinsi na si Powerade Tigers coach Bo Perasol sa paglipat ni Marcio Lassiter.

Matapos kumalat ang balitang hindi pagsang-ayon ni Perasol sa kagustuhan ni Lassiter na ma-trade, pumayag na rin ito makalipas ang ilang linggong pagtanggi.

Sa isang text message na pinadala ni Perasol na ngayon ay nagbabakasyon sa Hong Kong, sinabi niya na “I stand by that decision.”

 Tinukoy din niya na ang trade proposal ng paglipat ni Lassiter kasama si Celino Cruz patungo sa Petron Blaze Boosters kapalit nila Rabeh Al-Hussaini, Rey Guevarra, at Lordy Tugade, ay isang malaking desisyon na kanyang pinirmahan bago siya umalis.

Tugon ni Perasol na nagdadalawang isip siya na lagdaan ang papel at ayaw niya talagang pakawalan si Lassiter na buong pwersang tinulungan ang kampanya ng Powerade kasama ang number one pick na si JVee Casio sa Philippine Cup finals. 

Bago ang trade, nauna ng sinabi ni Perasol sa isang interview, “Kung ako papipiliin, we want to get a scoring big man and a scoring wing man if Marcio is traded.”

At hindi naman nabigo si Perasol sa kanyang hiniling dahil nasa bakuran na nila simula ngayon ang kasalukuyang Rookie of the Year awardee na si Al-Hussaini at dalawang matitinik na shooters sa katauhan nila Guevarra at Tugade.

“There are ways to make that trade work. My job is to find those ways and I intend to do just that,” pagtatapos niya. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment