Thursday 26 April 2012

San Beda target ang 5-0

Laro Ngayon
(San Juan Arena)
1:45 p.m. San Sebastian vs National University
3:30 p.m. San Beda vs University of the East

Pupuntiryahin ng San Beda Red Lions na angkinin ang kanilang ika-limang sunod na panalo kontra sa University of the East Red Warriors ngayon alas-3:30 main-game ng hapon sa pagpapatuloy ng 2012 Fil-Oil Flying V Pre-Season Hanes Cup sa San Juan Arena.

Taglay ang 4-0 karta, hangad ng Lions na ipakita ang bangis sa bataan ni coach Jerry CodiƱera na hindi pa rin pinagpapalang makapaglista ng kanilang unang panalo. 

“Even though UE is not playing so well as of now, still we are not going to take them lightly. They have a good coach and a good system, they are capable of winning, even against us,” pahayag ni San Beda coach Roni Magsanoc, pumalit kay dating coach Frankie Lim.

Ginapi ng San Beda ang University of the Philippines, 73-63, noong Miyerkules nang maghulog ang Lions ng 11-0 bomba sa huling limang minuto sa fourth period at iposte ang kanilang solong liderato s group A.

Nagbandera ang Lions ng 12 points na kalamangan sa first quarter, 22-10 hanggang makabalik ang UP sa fourth at natikman ang abante sa 63-62, may 5:27 nalalabi buhat sa two point shot ni Mike Gamboa.

Ito ang unang talo ng Maroons sa ligang inorganisa ng Bostik Phils., Inc kasama ang Total Phils. Corp, Vulcaseal, Kia Motos, BDO, Bayo, Nature’s Spring, Molten, at Oxycan.

Pinangunahan ni Nigerian Ola Adeogun ang ratsada ng Lions na nagtipa ng game-high 15 points, humakot ng 14 rebounds, dalawang assists, dalawag steals, at isang block habang si Baser Amer naman ay gumawa ng 15 points, at naglista ng apat na assists para sa San Beda.

Samantala, tangka naman ng National University na itala ang kanilang ika-tatlong sunod na tagumpay at pamunuan ang Group B sa San Sebastian Stags sa opener alas-1:45 matapos pataobin ang Arellano University Chiefs, 76-64.

Umiskor si UAAP Most Valuable Player Bobby Ray Parks Jr. ng 16 points, kumolekta ng pitong rebounds, limang assists, at isang steal para sa NU habang gumawa naman si Cameroonian Emmanuel Mbe ng siyam na puntos at naglista ng gamehigh 15 rebounds. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment