Saturday 14 April 2012

Ginebra may kumpyansa pa

Matapos makalasap ng ikalawang talo sa semifinal series ang Barangay Ginebra Kings noong Biyernes, malakas pa rin ang kanilang paniniwala na sila ay makakahirit pa sa B-Meg Llamados.

Kumpyansa ang Gin Kings na hangga’t hindi pa nakakatatlo ang B-Meg, nandiyan pa rin ang kanilang pag-asa na makaungos at makasilat sa serye.

“Nawala kami sa game, nawala ang focus ng mga players dahil sa mga hindi magagandang tawag nga mga officials. Ganyan talaga!” ani ni Ginebra coach Siot Tangquincen.

Magbabanggaan ang Ginebra at B-Meg mamayang alas-6:00 ng gabi sa Cuneta Astrodome, sa game three ng kanilang best-of-five series.

Isang panalo na lang ay lulusot na sa 2012 PBA Commissioner’s Cup finals ang B-Meg Llamados. At pag-nagkataon, ang pagpasok nila sa finals na may import ay pang siyam na sa listahan, at may kabuuan na 22 finals appearance sa kanilang franchise. 

Tumabo si PJ Simon ng 15 points, walo dito ay binomba niya sa huling dalawang minuto ng 4th quarter, para sa 83-77 pagdapa sa Gin Kings. 

Kumana naman si import Denzel Bowles ng game highs 21 points at lumundag ng 15 rebounds para sa Llamados.

Sinubukang ibalik ni Nino Canaleta ang Gin Kings nang magpakawala ito ng tatlong tres sa laro at bumuhos ng 11 points mula sa bench, ngunit hindi ito naging sapat para masungkit ng Gin Kings ang panalo. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment