Laro Ngayon (San Juan Arena)
2:00pm – Letran vs San Sebastian
4:00pm – Ateneo vs FEU
2:00pm – Letran vs San Sebastian
4:00pm – Ateneo vs FEU
Pagkatapos ng dalawang taong
pamamahinga, muling nagbabalik ang six-time champion University of Santo Tomas
Tigresses sa Shakey’s V-League Season 9 na magsisimula ngayon sa San Juan
Arena, alas-2:00 ng hapon.
Maghaharap ang matikas na
San Sebastian at Letran sa unang laro na susundan ng nagdedepensang Ateneo
kontra sa Far Eastern University.
Tangka ng UST ang isa pang
kampeonato na ngayon ay maglalaro sa ilalim ng kanilang bagong coach na si
Odjie Mamon, sa torneong inorganisa ng Shakey’s Pizza kasama ang Sports Vision
Management Group, Incorporated.
Aminado si Mamon na hindi
ganoon kalakas ang team nila dahil marami silang bagong players at hindi pa
kabisado ang kanyang sistema,“I cannot
really say how strong we are since five UAAP teams are in the fold, including
three of the top five last season.”
“So we will bring our A-game and hopefully the infusion of Mary Jane Balse and Thai Kunbang Pornpimol will further boost our chances,” dagdag pa niya
Nananalig pa rin si Mamon na ang
experience at leadership ni dating MVP Balse, kabilang ang dominasyon ni Thai
import Pornpimol, ang magdadala sa kanila sa inaasam-asam nilang tagumpay.
Kasama sina Balse at Pornpimol, ang
UST ay binubuo nina Maika Ortiz, Rhea Dimaculangan, Maruja Banaticla, Judy
Caballero, Jaime Morado, Midori Hirotsuji, Katrina Carangan, Ingrid Reyes,
Tricia Lastimosa, Ma. Carmela Tunay, Jan Dusaran, Ma. Loren Lantin, Laine de
Leon, at Jen Amar.
“We re-joined because it’s a really a good exposure for the team. Last year, we only competed in the Unigames before the UAAP season, so we really lacked experience especially with a lot of newplayers in the team,” ayon pa kay Mamon, na pinili ang Ateneo at Perpetual Help bilang the ‘teams to beat.’ (John Alfrick C. Cruz)
No comments:
Post a Comment