Wednesday 18 April 2012

Bagong coach ng Aces, Trillo pinalit kay Banal


Matapos iwanan ni Tim Cone ang Alaska Aces last year, muli na namang nagkaroon ng pagbabago sa coaching staff nito.


Nagdesisyon na si Joel Banal, mentor ng Alaska sa dalawang katatapos pa lamang na conferences at matagal ng assistant coach ni Cone sa parehong koponan, na magresign bilang headcoach.

Ang pag-ani lamang ng tatlong panalo noong Philippine Cup ng Aces at paglista naman ng anim sa Commissioner’s Cup ngayong taon sa kamay ni Banal, ang nagtulak sa Alaska management para maghanap ng bagong magpapatakbo sa kanilang koponan.

“The goal of the Alaska franchise is to be in the semis of every conference and we did not meet that goal in the past two conferences, so I wanted to give management the chance to look at options,” pahayag ni Banal sa statement na ipinalabas ng Alaska kahapon.  

Sa dahilang ito nabigyan ng pagkakataon maging bagong headcoach ng Alaska Aces si assistant coach Luigi Trillo, anak ng Alaska team manager and Board Governor Joaqui Trillo.

Ayon kay Joaqui sa isang telephone interview, “It was Fred Uytengsu who appointed Luigi and he was chosen based on his experience as coach in the PBL, D-League and UAAP, among others.”

Si Luigi ay dating naglalaro sa amateurs para sa De La Salle Green Archers. Nang magtamo ng injury sa tuhod, agad niyang pinasok ang pagcocoach at hinawakan niya ang Adamson Falcons sa UAAP hanggang maging bahagi ng Alaska coaching staff.

Bago niya tanggapin ang posisyon, siya rin ang headcoach ng Cebuana Lhuillier Gems sa PBL at PBA D-League.

Kasama din sa pinagpilian si assistant Jojo Lastimosa, dating PBA player at naglaro rin ng maraming taon para sa Alaska.

Ang pakakaluklok bilang headcoach kay Luigi ay ang kauunahang “father and son tandem” na magmamanage at magcocoach ng iisang koponan sa kasaysayan ng PBA. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment