Tuesday 24 April 2012

Chess open sa Luneta


Magtatapatan na ang mga kampeon sa laro ng chess sa pagbubukas ng 2012 Luneta Open Chess Championship sa isang linggo.

Dadagsain ang kumpetisyon ng mga top rated chess grandmasters ng Pilipinas tulad nina Grandmaster (GMs) Wesley So, Oliver Barbosa, Mark Paragua, at Darwin Laylo.

Ang torneong inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ay bukas para sa lahat ng gustong sumali at ito ay tinatayang puputok sa ganap na alas-10:00 ng umaga, Abril 28 sa Luneta Lapu-Lapu statue, Rizal Park.   

Lalahok din sina International Masters (IMs) Ronald Dableo, Rolando Nolte at Emmanuel Senador.
Magbubulsa ng P15,000 ang magkakampeon habang P8,000, P5,000, at 4,000 naman ang iuuwi ng second, third at fourth placers.

Para sa mga karagdagang detalye ng kumpetisyon, maaaring kontakin sina IM Chito Garma (09261704962) at Peter Lim (09064738993). (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment