Monday 23 April 2012

Walang bayaran sa PBA

Iginiit ni PBA Commissioner Chito Salud na walang bayarang nagaganap ngayon sa PBA Commissioner’s Cup sa pagitan ng mga teams, players, at mga referees.
Marami kasing naririnig ang PBA mula sa mga social networking sites at ilang fans sa game venues na hindi raw patas ang mga tawag ng mga referees kada laro. May pinapaburan diumano ang mga ito sa naglalabang koponan.
Ayon kay Salud, ang sagupaan ng Talk n’ Text at B-Meg sa best-of-seven finals series ay patatakbuhin ng siyam na referees.
Siya (Salud) mismo ay naniniwalang ang siyam na ito ay mapagkakatiwalaan, may dignidad, at hindi magpapahikayat sa anumang tukso.
“Dati nga mga anim o walo lang ang tumatawag sa finals. Obviously, the officiating has improved kaya siyam na,” pagmamalaki ni Salud. 
Idiniin ni Salud na hindi isyu ang pagtawag ng mga referees sa resulta ng mga laro, “the referees will call it down the line, fair, impartial and in accordance with the parameters we have explained to the teams.”
Idinagdag din niya na “tough plays will be allowed but not rough plays.” 
“Physical plays will be allowed to the limits explained to the team. My advice to those who want to try and test the limit, do it in your own peril,” pagtatapos ni Salud. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment