Sunday 29 April 2012

Import ng B-Meg, tinukoy

Bagama’t kasalukuyan pa ring lumalaban ang B-Meg Llamados sa titulo ng 2012 PBA Commissioner’s Cup finals, tiniyak na agad ni coach Tim Cone ang kanilang magiging import sa susunod na conference.

Ipaparada ng B-Meg ang bagong-saltang import na si Marqus Blakely na naglaro sa huling training camp ng Houston Rockets at kilalang beterano ng NBA D-League.

Isiniwalat pa ni Cone na diumano ay dalawang Marc Pingris ang katumbas ni Blakely, nagwagi ng NCAA Slam Dunk contest para sa University of Vermont.

“He’s a true power forward. He’s 6’5, but he plays like he’s 6’8, 6’9,” wika ni Cone.

Si Blakely ay huling ikinampanya ang Sioux Falls Skyforce sa NBADL nag-average ng 16.1 points, pitong rebounds, tatlong assists, dalawang steals, at isang block sa 18 games bago nalipat sa Iowa Energy kung saan gumawa siya ng 13.4 points, limang rebounds sa walong laro. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment