Thursday 19 April 2012

Thai guest players, tampok sa Shakey's V-League


Limang guest players mula Thailand ang magpapasiklab ng bakbakan para sa darating na ninth season opener ng Shakey’s V-League 1st Conference sa Abril 24 sa San Juan Arena.

Masisilayan ang pagbabalik ng mga beteranang Thai imports na sina Jaroensri Bualee, Lithawat Kesinee, at Areerat Sanorseang.

Ang 29-anyos na si Bualee, nakaranas na ng MVP, Best Scorer, at Best Attacker sa liga, ay muling ikakampanya ang San Sebastian sa ika-limang pagkakataon habang si Kesinee na isang center player at naglaro ng tatlong conferences para sa Ateneo ay tangka ang isang back-to-back championship. 

Samantala, si Sanorseang na dating manlalaro para sa De La Salle University ay uumpisahan ang kanyang ratsada ngayong conference para sa Far Eastern University o Letran College.

Tampok din ang baguhan ngunit pinakadominanteng recruit sa liga na si Patcharee Sangmuang na naglaro bilang team captain ng Thai National team at bumida rin sa international competitions gaya ng Southeast Asian Games (SEA Games), Asian Senior Women Championships, Asian Club Championships, and FIVB World Grand Prix. 

Sanay bilang open spiker, ang 25-anyos na si Sangmuang ay pangungunahan ang alinman sa FEU o Letran sa unang pagkakataon sa ligang inorganisa ng Shakey’s Pizza kasama ang Sports Vision
Gayundin ang isa pang first-timer at ang pinakabatang Thai import sa torneo na si Pornpimol Kunbang na lalong pagtitibayin ang mainit na pagbabalik ng University of Santo Tomas.

“The presence of Thai players is good for us in terms of experience,” ani ni Moying Martelino, chairman ng Sports Vision. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment