Sunday 15 April 2012

Resbak ng Gin Kings, inaabangan ng Llamados

Hindi naniniguro si B-Meg headcoach Tim Cone na mauulit nila ang paglampasong ginawa sa Ginebra noong game one.


Aminado si Cone na matindi ang ginagawang preparasyon ngayon ng Gin Kings upang mapaghandaan ang pisikal at malagkit na depensang idinikit ng kanyang mga bata nang padapain ng B-Meg Llamados ang Barangay Ginebra Kings sa kanilang best-of-five semis-opener, 82-67, noong Miyerkules ng gabi sa Ynares Sports Center, Antipolo City.

"I really feel our physical game against Meralco and that prepared us tonight. We’re mentally prepared to play that kind of game,” pahayag ni Cone pagkatapos ng laro.

Muli niyang aasahan ang balanseng kontribusyon mula sa bench, bumomba ng 41 points kontra sa 30 ng Gin Kings, para tulungan ang kanilang import na si Denzel Bowles na kumuloketa ng 21 points sa game one.

Samantala, hindi pa rin makalalaro si Mark Caguioa para sa Ginebra dahil sa natamo nitong injury. 

Sasandal pa rin ang Gin Kings kay import Jackson Vroman, na nagtala lamang ng 10 points noong huling laro, pati na rin ang mga locals na sina Mike Cortez, NiƱo Canaleta, at Jayjay Helterbrand.

Tiniyak din niya na ang darating na game two ng kanilang bakbakan ang magdidikta ng serye.


"I’ve been here many times before. Game One doesn’t mean much. Second game is really the key in my mind. It’s either you get out of a hole or get a big lead,” dagdag niya.

Maghaharap ang B-Meg at Ginebra sa pagpapatuloy ng kanilang semi-final wars bukas sa SMART Araneta Coliseum, alas 6:45 ng gabi na tangan ng Llamados ang bentahe, 1-0.

Kasalukuyang nagsasagupaan ang Barako Energy at Talk n’ Text Tropang Texters sa kanilang game two ng semifinals sa Ynares Sports Center, Antipolo City, habang sinusulat ang istoryang ito.


No comments:

Post a Comment