Friday 20 April 2012

Llamados, Texters maghaharap sa finals

Katulad ng inaasahan, muli na namang namayani ang bataan ni coach Chot Reyes sa kanilang rubber match.

Pinatunayan ng nagdedepensang Talk n’ Text Tropang Texters na sila ang karapatdapat na tumuloy sa 2012 PBA Commissioner’s Cup finals matapos payukuin ang Barako Bull Energy, 101-90, sa do-or-die Game Five ng semis sa Smart-Araneta Coliseum, noong Miyerkules

Bagama’t naglista si Texters import Donnel Harvey ng gamehighs 29 points at 14 rebounds, ang pagpasok ni Jimmy Alapag sa huling apat na minuto ng fourth quarter kasama ang clutch baskets ni Ranidel De Ocampo ang nagselyo ng kanilang 3-2 panalo. 

Kumonekta ng isang malaking three point shot si Alapag at isang fast-break layup mula sa pasa ni Ryan Reyes habang nakumpleto naman ni De Ocampo ang bihirang four-point play sa huling 1:50 ng laro, 96-88.

Huling nakadikit ang Energy sa 88-92, may 3:03 sa huling yugto buhat sa dalawang magkasunod na jumpers ni Ronald Tubid kasama ang isang layup ni Danny Seigle.

Nagtala si De Ocampo ng 18 points at may tig-14 points naman sina Jared Dillinger at Jayson Castro para sa Texters.

Samantalang bumomba ng 22 points, 11 rebounds, at limang assists si Gabe Freeman para sa Energy, na limitado lamang ang minutong nilaro dahil sa foul trouble. Tumulong naman ang beteranong si Seigle na may 21 points habang si Tubid ay nag-ambag ng 18 points.

Maghaharap para sa kanilang best-of-seven finals series ang Talk n’ Text at B-Meg Llamados, tinalo ang Ginebra sa kanilang semis duel, sa Lunes, Abril 23, alas-6:45 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Hangarin ng Texters, na may ika-limang sunod na finals appearance at 13 times sa franchise, ang isang back-to-back Commissioner’s Cup championship kontra sa naghihintay na B-Meg Llamados.

“It's always a special feeling to get to the finals. It never gets old,” sabi ni TNT coach Chot Reyes, nasa kanyang 15th finals appearance at tangka ang pang-siyam na championship titile.
Dagdag niya, “we had no illusions about the other team, we know they're big and they know how to play.(Energy) coach Junel Baculi put together a gameplan that gave them the best chance for winning, but it's all about which makes the shots that matter.” (John Alfrick C. Cruz)
 Iskor:

TALK N' TEXT 101 - Harvey 29, De Ocampo 18, Dillinger 14, Castro 14, Williams 9, Peek 7, Alapag 6, Fonacier 3, Reyes 1, Alavarez 0.

BARAKO 90 - Freeman 22, Seigle 21, Tubid 18, Allado 12, Miller 6, Salvador 4, Najorda 3, Arboleda 2, Pena 2, Weinstein 0, Pennisi 0.

Quarter scoring: 25-27, 56-47, 77-74, 101-90


No comments:

Post a Comment