Saturday 21 April 2012

MMF 10-leg series, aarangkada na

Matapos ang matagumpay na launching noong Pebrero 18, sasagwan na ngayong alas-8:00 ng umaga ang MX Messiah Fairgrounds Amateur Motorcross Championship 10-leg seriesMF
Ito ay ang Amateur Open Production, Local Enduro Class A and B, Underbone class A and B, Kids 65 and Kids 50.

Ang unang leg ng arangkada ay puputok sa darating na Mayo 5 at ang huling leg ay matutuldukan sa Setyembre 1.

Naghihintay ang isang bagong-bagong Honda XRM para sa magkakampeon sa Underbone Open Class A at Local Enduro Open habang mag-uuwi naman ng cash prizes at trophies ang top three winners. Consolation prizes naman ang maibubulsa ng ika-apat at ika-limang puwesto.

Bukas ang Underbone at Local Enduro para sa lahat ng mga mangangarera at mga nagmamay-ari ng modified bikes, samantala ang Amateur Production Class naman ay para lamang sa mga beginners at novice class riders.

Ang registration fee ay nagkakahalaga ng P500.00 kabilang na dito ang limang buong araw na practice session bago sumabak sa karera habang libre naman ang panonood ng 10-leg series sa venue. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment